Get some scars
TAPOS NA AKO MAGENROLL! WOOHOO!
Monday, June 8, 2009
Finally… TAPOS NA AKO MAGENROLL! Kitam. Kung hindi lang mabagal ang admin dapat last week pa ako tapos mag enroll. It only took me less than 3 hours to finish my enrollment today. I got my readmission slip by 9:30, then went to OUR to fill up the student directory. Afterwards, went back to engg for pre-advising and enlistment. Since I only have 15 units this sem, I tried to enlist in other subjects (para nga naman di saying ang sem).
Went to physics pav for physics73.1. When I asked if there were any slots left, the lady in the director’s office told me that I should have read the note at the guard before going there. Eh ang labo kaya ng nakalagay dun sa note. HIndi naman nakalagay dun na ang enlistment ng mga physics subject ay sa CSRC. Ang nakalagay lang dun:
‘To those students who have an appointment with Dr. I-forgot-his-name, please proceed to the CSRC building.’ ANG LABOOO talaga. Kaya badtrip.
Galing physics pav, naglakad ako sa CSRC… Grabe! Kalbaryo! Ang layo. Puro paltos na ata ang paa ko. At dahil makapal ang mukha ko, sumingit na lang ako dun. Kaya in less than 5mins, may physics73.1 na ako.
After CSRC, lakad naman papuntang NIGS para sa geol subject. Umaasa akong may geol11.1 o kaya geol40 para man lang makapag 17 o 19 units ako. Sa kasamaang palad, wala na daw slots. At ang nakalagay sa pintuan ng director’s office nila:
‘Wala ng slots sa geol 1, 11, at 11.1Parang awa niyo na. Wag na kayong makulit please.’
At dahil talaga wala na akong makuhang subject, nag decide ako na mag 16units na lang. At masaya din ako dahil maluwag ang schedule ko.
11am ng matapos ako sa NIGS. Kaya binilisan ko makabalik ng engg para makapag post-advise and assessment na ako. O kitam. By 11:30 tapos na ako. Bayad na lang. Sayang ang mga oras na itinambay ko sa engg last week. Wala namang nangyari sa akin.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









