Get some scars
No to smoking
Friday, May 29, 2009
REASONS WHY I WON’T SMOKE EVER AGAIN:
- It causes dry skin…
Pagkatapos mag-yosi, ang dry ng feeling. Parang uhaw na uhaw ka. Kaya siguro talagang masarap ka-partner ng yosi ang softdrinks at kape. Natutuyo din ang lips pagkatapos mag-yosi. Hindi na tuloy kissable lips. LOL.
- Nakakabutas ng bulsa
Siyempre kailangan may budget ka para sa daily dose mo ng nicotine. Kung chain smoker ka pa, kulang ang 50php sa isang araw para sa yosi. Madalas mo pang mawawala ang lighter mo (pano kasi, minsan merong mga nanghihiram naman na hindi sinosoli). Bibili at bibili ka ng bago. Panget naman kung posporo
lang ang gagamitin mo pang-sindi. At kapag umiinom, siyempre hindi pwedeng mawala ang kaha ng yosi sa mesa. Eh kaso, pag sa mga bar umiinom, twice ng presyo ang charge nila para sa isang kaha. Sus.
- Dumidikit ang amoy ng yosi EVERYWHERE
When I say everywhere, I really mean EVERYWHERE. Sa damit, sa kamay, at may added bonus pa. BAD BREATH. Another turn-off. Sino naman kasi ang may gustong humalik sa bibig na mala-ashtray na ang amoy. O diba diba?
- He told me na bawal na magyosi
Okay. Next reason please.
- Madaling hingalin ang mga smokers
Oyeah. Sising-sisi ako kanina kung baket nga ba naman ako nag-yosi noon. Ngayon ako nag-susuffer sa consequences. 25 meters sa pool hindi ko kagad matawid ng derecho???! Dahil pagdating pa lang sa gitna, para nang sasabog ang lungs ko. Dang. NO TO SMOKING. QUIT. QUIT.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









