Get some scars
Sinigang Blues
Tuesday, May 12, 2009 Dahil tinatrangkaso si mama, ako ang naatasan magluto ng tanghalian.
PAPA: Mga anak, may sakit mama niyo. Kayo na muna bahala kumilos dito sa bahay.
AKO: ok. (sabay deadma. Balik sa pagkain ng pianono na sinasawsaw ko pa sa chocquik)
PAPA: si Bern maglilinis ng mga kwarto… *tumahimik sandali* ay hindi. Si bern na lang magluluto.
BERN: what the???
ATE & THIRD: *gasp*
THIRD: Sana edible ang maluluto ni ate bern
ATE: Hala. Magugutom tayo ngayon.
Nasa isip-isip ko, ang yabang ng dalawang to. Samantalang pag gumagawa ako ng ref cake at cookies eh sila unang tumitira.
So heniwei,,, ako nga ang nagluto ng lunch. Sinigang, fried rice at pnritong isda.
MAMA: hmmm. Masarap naman luto ni bern ah.
PAPA: oo nga. May pagasa pa pala matutong magluto tong si bern.
Naisip ko, ang yabang naman ng pamilya ko. Hahaha. Walang tiwala sakin na kaya ko magluto ng ulam — na edible.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









