Get some scars
Yesterday
Wednesday, April 8, 2009
REMARKABLE THINGS THAT HAPPENED TO ME YESTERDAY:
- how I managed to get an MST subject. Bio1. Mataas usually ang demand sa subject na yun. Himala na nakakuha ako. 3 units down, 4 more to go.
- Bumibili kami ng shake kahapon ni ahjh sa LKB. May lumapit na bata, tumatakbo.
BATA: Ate! Ate! Pahingi naman barya. Di pa ako kukamakain. Gutom na gutom na ako.
BERN: Sorry wala akong barya eh.
BATA: Sige na ata. Gutom na po talaga ako.
BERN: Wala nga akong barya.
BATA: Oh ate ilibre mo na lang ako ng shake. (Sabay GRIN)
Hahaha. Wala lang. MAbenta lang sakin yung hirit nung bata. Ayos humirit eh.
- Tumambay kami ni Ahjh sa Acad Oval para magusap. Madami nagjojog. May nakita kaming brown na aso na nagjojog katabi nung isang jogger. Di namin pinansin. Maya-maya bumalik na naman siya. Papunta the opposite direction. Mag-isa. Napansin ko.
BERN: Ang cute oh. Nagjojog din ung aso.
AHJH: akala ko kasama niya ung isang jogger kanina. Akala ko yun ung amo niya.
BERN: awww. Hehehe. Ang cute. 2nd round na ata niya yan.
- Paguwi at pagsakay ko sa jeep, nakita ko na naman yung asong nagjojog. 3rd round! Hahaha. Let’s get physical ang drama ng doggie. Hahaha.
- Swollen right foot. Amazing! Nakauwi ako ng laguna ng namamaga ang kanang paa ko. Iika-ika ako habang naglalakad. Hanggang ngayon, paga pa din.
- Dahil sa namamagang paa at hirap maglakad, ngarag, tuliro, at ewan, muntikan ng masagasaan ng pulang taxi sa may MRT sa quezon ave. Humaharurot kasi siya. Di ko kaagad nakita. Buti na lang nakapag-brake siya kaagad at nakatabi din ako kagad. Kundi? DEADZ na si BERN. Hahahaha.
- And the most amazing thing that happened to me yesterday:
HOW I MANAGED TO SURVIVE. Hindi yung maiwasan mabangga ng humaharurot na pulang taxi, kundi, paano ko nakayanan magsurvive ng isang araw without breaking down. How I managed to push aside thoughts of him, my anger and disappointment. I hope ganito araw-araw.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









