kaninang umaga, yamot na yamot ako.. Dahil ang lalake sa likod ko ay malakas dumighay at amoy na amoy pa kugn ano ung kinain niya para sa almusal..
*narinig ko usapan nila ng gf niya sa fone*
GUY: hello babe?
……
GUY: yup. nagbreakfast na ko.. Kape nga lang almusal ko eh.. kaw ba? kumain ka na?
*sabay burp*
nampotah.. pagkaburp niya ang lakas at amoy hotdog at sinangag pa.. pota naman oh. at hindi lang niya isang beses ginawa yun.. 3 beses! TATLO!!!! shet… yamot na yamot ako…
*************************************************************************************************************
mei dalawa din akong studyante sa CWTS na ampotah ilang beses ko na tinuturuan mag rappel hindi pa rin marunong… At victim na nga lang sila sa one man under,, hindi pa din nila kayang bumaba.. naman.. pag sila na yung nagrarapel, gusto ko sila itulak sa tower.
Pag sila ng dalawa yung tinuturuan ko, parang lagi akong ginugutom. dahil inaabot ako ng isang oras sa kanila lang dalawa… nkakapagod. Nakakayamot…
*************************************************************************************************************
mahirap pala maging depressed.. nakakwala ng gana kumain. ngayon ko lang naalala hindi pa nga pala ko nglulunch. at wala ako balak magdinner..
Kung paaasahin mo lang ako, pwedeng wag na lang? Layuan mo na lang ako, tas ikaw iiwasan ko. Ayoko ng gulo, ayoko ng komplikasyon. Sinusubukan kong ayusin ang buhay ko ng wala ka, pero bakit ngayon bumabalik ka para guluhin ulit ang mundo kong humiwalay na sa iyo?
Huwag mong hayaang tuluyan akong mahulog ulit sa iyo, kung ang intensiyon mo ay saktan lang ulet ako. Mahirap magpagaling sa sugat na alam kong matagal bago humilom. Kung may kailangan ka sa akin, sabihin mo lang. Huwag mo daanin sa patweetums at pagiging sweet mo sa akin. Kung may papagawa ka sa akin, sabihin mo na agad. Hindi yung hinahanap hanap mo ako, na parang sabik na sabik kang makita ako.
Kung paaasahin mo lang ako, sabihin mo na agad… Hindi yung inaantay mong tumulo ulet ang mga luha ko at magmukha na naman akong tanga. Hindi ako manika para paglaruan mo lang. Hindi laro tulad ng basketball ang emosyon ko kaya huwag mo itong pagkatuwaan. Sa bagay, sinasabi mo nga naman sakin na magaling ka sa larong basketball. Magaling kang humawak ng bola. Oo. Magaling ka nga. At nasabi ko na ba sayo na magaing kang mang bola?
Kung iiwan mo lang din ako, ngayon pa lang huwag mo na akong hanap-hanapin pa. Baka masanay pa ako na lagi kang andiyan sa tabi ko, hanapin pa kita pag nawala ka. Mahirap na. Dahil ayaw ko maghanap sa mga taong alam kong hindi naman darating. Kung nagawa mong iwanan ako noon, bakit mo nga naman hindi kayang gawin yun ngayon? Hindi nga ba’t mas madali ng gawin ang mga bagay na nasubukan at nagawa mo na? Dapat bang hintayin ko na naman na sabihin mo sakin na hindi ako ang taong karapat-dapat sayo at hindi mo nakikita sarili mong tumanda kasama ako?
May mga bagay na hindi dapat itinatanong. Dahil minsan, nakakatakot marinig ang sagot sa mga ‘to. Madami akong gustong itanong sa’yo. Kaso natatakot ako sa kung ano ang isasagot mo. Kaya pwede? Ikaw na ang manguna. Ipaliwanag mo sa akin ang mga bagay na gusto ko malaman. Promise. Pipilitin ko ang sarili ko na hindi umiyak para maipakita ko sa’yo na hindi mo na ako kayang maapektuhan.
Kung paaasahin mo lang ako, pwedeng wag na lang? Ako na ang lalayo para hindi na tayo mahirapan. Kung sasaktan mo lang din ako, pakisabi na agad, para sa bandang huli, hindi na ako magulat.